Quantcast
Channel: Tsikot Forums
Viewing all articles
Browse latest Browse all 13137

2-rows Aluminum Radiator for EK automatic transmission. Any thoughts/experiences?

$
0
0
Gud day mga ka-tsikot!
Im driving a honda civic 1996 lxi A/T for 3years now, simula nung nabili ko sya dipa naman ako naka experience ng overheat..pero twice na sya nag climb up ung temp gauge and almost hit the red line but it was fixed right after it happened. I decided na magpalit na ng radiator after nung 2nd time na tumaas ang temp gauge ko. I bought a tomei 2rows aluminum rad lastweek since medyo luma na din kasi ung nakakabit na radiator.
Dinala ko sya sa kilala kong mekaniko para ma-install yung bagong radiator,so far so good (steady lang ung temp gauge) except that I notice when i parked my car sa bahay galing ako office, pag hawak ko sa hood ng auto ko sobrang init.ung talagang nakakapaso ung init lalo na dun sa side kung nasaan ung radiator. Di naman tumataas ung temp gauge ko habang nagda-drive or naka-idle. Medyo bothered lang talaga ako sa sobrang init ng hood ko. Ganito ba talaga pag 2-rows aluminum yung nakakabit? or normal lang ba talaga na nakakapaso ang init ng hood after i-drive ang kotse?sa mga ka-tsikot na may aluminum radiator, ganito din ba na experience nyo? share naman. Sobrang maaappreciate ko at salamat rin in advance.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 13137

Trending Articles