Note: none of the major news networks covered this. With a bible thumping grand father and a Lopez-network talent uncle...
Apo ni Atienza, nagpakamatay
DAHIL sa depresyon, nagpakamatay ang 18-anyos na babaeng apo ni dating Manila Mayor Lito Atienza makaraang tumalon mula sa ika-45 palapag ng tinutuluyan niyang condominium, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Agad namatay si Andrea Georgia “Adi” Atienza Beltran, estudyante ng Edelyn Colleges, sa Global City, Taguig, at kasalukuyang naninirahan sa West Tower 1 Condominium, 1 Rockwell Drive, Barangay Poblacion, naturang lungsod.
Ayon sa Makati City Police, alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa 45th floor ng naturang condominium.
Nabatid na kusang tumalon ang biktima mula sa kanyang unit na nagresulta ng pagkalasog-lasog ng katawan at pagkamatay nito.
Lumalabas na nakararanas ng matinding depresyon ang biktima at may sakit na anorexia, kung saan nabatid na matagal na itong nagbantang magpapakamatay.
Ayon sa isang source, ayaw ipalabas sa media ang naturang insidente kung kaya’t news blackout ang kanilang pinaiiral sa ngayon.
Tumanggi ang pamilya ng biktima na ipa-autopsy ang bangkay at pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa insidente. Jay Reyes
Apo ni Atienza, nagpakamatay - Remate
Quote: