Quantcast
Channel: Tsikot Forums
Viewing all articles
Browse latest Browse all 13136

Our Baguio Trip

$
0
0
Share ko lang po experience ko since first time ko mag drive sa baguio. naka convoy ako sa bro in-law ko since mas sanay sya mag akyat baba sa baguio or sa la union. gamit nyang auto honda city '08. ako naman escape 2.3 '05. to cut the story short, after namin mag baguio, bumaba kami ng la union. we took naguilian rd. along the way, ok naman yung mga twisties. nakaka-overtake kami sa mga sasakyan na tumatabi sa gilid. hindi namin inoovertake-an yung ayaw mag pa overtake. knowing the danger plus kasama namin families namin. pag sa tingin namin, kaya nang mag over take and safe, inoover take-an namin yung mga inaabutan naming sasakyan. along the way inabutan namin yung jeep. so hindi namin basta basta inoover take-an kasi nga madaming kurbada. then later meron vios sa likod ko na naka bright and nakatutok sa likod ko. sa isip isip ko, ok alam ko din na gusto mo mag over take, pero sana mag observe muna sya. kung mukhang mag o-over take kami, then, courtesy na lang. alam ko naman na walang rules sa ganyan. kaya nga din kung kaya nya tabasin yung nasa harap nyang mga sasakyan (ako, bro in-law ko at yung jeep) then mag over take sya. pero hindi nya ginagawa. nung naka kuha kami ng timing na maayos, naka over take kami sa jeep. then naka over take din sya, pero naiwan din namin sya sa mga kurbada, hanggang sa wala na yung head light nya. then meron ulit kami inabutan na sasakyan. ganun ulit nangyari. hanggang inabutan namin yung isang mini van na disente at maayos naman ang takbo. so nakaabang kami kung kelan kami pwede maka over take kasi alam namin na kaya namin mag drive ng mas mabilis sa kanya. alangan naman over take-an namin sya tapos mabagal pala kami. then maya maya dumating na yung vios. nakatutok sya ulit sakin ang yung kalahati ng auto nya nakalabas sa kabilang lane. ang bwisit dun, naka bright na naman. sa bwsit ng bro in-law ko, hindi nya inover take-an yung van. so ako, para dun sa vios, go ahead. over take-an mo kaming tatlong sasakyan. pag yung tipong o-over take na sya, babalik sya ulit sa lane kasi kurbada na (hindi nya ba naisip na puro kurbada ang naguilian rd? hehe) hanggan sa umabot kami bandang ibaba na. then pinilit nya umover take. palampas pa lang sya sakin, napansin kong meron ilaw papalapit samin. tricycle yung paparating..bumubusina. so nagbagal sya. natawa ako sa kanya and bigla ako naawa. so inopen ko yung harap ko para makapasok sya. at the same time iwas disgrasya sa kanya, sa tricycle, at para na din samin. pero sa likod pala ng vios, merong lancer (new model pa eh). ganun din. pinilit din mag over take pero alanganin, pinapasok ko na lang di ulit. hanggang sa makababa kami ng bayan at dun lang sila naka over take sa mini van.

natatawa lang kami ng bro in-law ko. kasi, ano ba nasa isip ng mga yun? dapat mag over take ng mag over take? eh nung walang mabagal sa harap namin, wala naman sila sa likod namin :grin:

well, isa lang yan sa mga high light ng byahe ko na ako ang drive for baguio. mas nag enjoy talaga ako sa bakasyon namin sa baguio, though pangatlong beses ko na yung nagdaang weekend. kasi ako ang nagdala sa family ko sa baguio. plus, 1st time ng bunso naming-prinsesa ko makapunta sa baguio. she's 7. and gustong gusto nya yung lamig ng baguio.

pahabol: okay sa TPLEX, sarap daanan. umabot kami ng 150kph nung bro in law ko, pero sandali lang. most of the time 120-140kph :grin:

Viewing all articles
Browse latest Browse all 13136

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>