Quantcast
Channel: Tsikot Forums
Viewing all articles
Browse latest Browse all 13137

Namamatayan kapag pinaandar, carb, spark plugs o fuel line problem on my 93 Sentra

$
0
0
Hello mga bossing,

Patulong naman po.

Tanong ko lang po kung anong cause nung biglang namamatay ang makina nitong 93 sentra ko? Noong 2011 ay pinalitan ko na ng surplus na carburetor yung kotse. Duda ko baka kailangang linisin na yun since nung kinabit namin ito hindi pa siya nalinis.

Secondly, nung tiningnan ko yung fuel filter na parang maliit na white plastic cup ay medyo maitim ang kulay, dati kasi ay parang pula ang nakikita ko noon since Caltex Gold ang palagi kong kinakarga sa kanya. Nung nakaraang araw ay napasuong ako sa isang baha pero gutter deep lang naman, may kinalaman kaya yun dun?

Parang kinakapos yung gas niya, umaandar naman pero maya-maya ay mamatay na. Itinirik nga kami at sa primera ay kaagad namamatay kaya sa segunda ko na kinuha hanggang sa makabalik kami ng bahay, pero hirap ang makina...

Thirdly gusto ko ring silipin yung mga spark plugs niya, baka kasi nag moist nasa labas lang kasi itong kotse nakapark at ilang araw din itong naulanan(Maring/Habagat). Safe ba na i-spray-an ng WD40 ito?

Salamat

:rolleyes:

Viewing all articles
Browse latest Browse all 13137

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>