May nakursunadahan po akong used car advertised sa online. Nakipagkasundo ako na tignan ko yong sasakyan. Doon sa meeting place, ang humarap sa akin ay hindi yong mismong advertiser kundi yong mismong owner ng sasakyan. Doon ko lang nalaman na yong advertiser pala na kachat ko ay agent at driver ng mayari. Anyway, nagkatawaran at nagkasundo kami ng car owner. After a few hours nakipagchat ulit sa akin yong advertiser at humihingi ng komisyon. Tanong ko lang po hindi ba ang owner ng benebentang sasakyan ang dapat magbibigay ng komisyon sa agent (advertiser) at hindi yong buyer? Noong nag chachat kami ng advertiser di naman nya nilinaw na sya ay agent at dapat may makukuha sya sa akin pag binili ko.
↧