pati pag-impok ng barya.. i do this annually. save all loose change i get from january to november, then by december meron na akong ipon around 4-8k pesos sometimes even more, pang gastos na di masakit sa loob or pandagdag pambili sa regalo for xmas.
Magtatago ng barya, nais ipakulong at pagmultahin ng mambabatas | Ulat Filipino | GMA News Online
Magtatago ng barya, nais ipakulong at pagmultahin ng mambabatas
July 27, 2013 6:33pm
9753 138 3 9904
Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong ipakulong at pagmultahan ang mga mahuhuling nagtatago ng mga barya.
Sa House Bill 1662, o ang Anti-Hoarding of Philippine Legal Tender Coins Act of 2013, nais ni Iloilo Rep. Jerry Treñas, na patawan ng hanggang walong taong pagkakabilanggo at multang hindi bababa sa P300,000 ang mga mapapatunayang nagtatago ng maraming barya.
Hinihinala ng mambabatas na ang pagtatago sa mga barya ang dahilan kaya kakaunting barya ang umiikot sa serkulasyon at walang maipanukli sa mga establisimyento.
The unscrupulous practice of hoarding of coins is tantamount to economic sabotage and is creating an artificial shortage of coins, ayon sa kongresista.
Ayon kay Treñas, ang mga kinauukulang ahensiya tulad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang magtatakda kung gaano karami o kabigat o anong denomination ng barya ang magiging basehan ng pagpapataw dito ng kaso at parusa.
Layunin din umano ng mambabatas na mapigil ang sadyang pagtatago ng barya na napupunta umano na sindikato na nagtutunaw sa mga barya para magamit sa ibang bagay.
The BSP has the sole power and authority to issue currency within the territory of the Philippines, and it has the authority to investigate, make arrests, conduct searches and seizures in accordance with law for the purpose of maintaining the integrity of the currency. The BSP is therefore the proper agency to enforce and implement the proposed Act, ayon kay Treñas.
Ilang establisimyento at institusyon naman ang papayagang magtabi ng barya kung kailangan sa kanilang serbisyo tulad ng charitable institutions, mga bangko, at mga tindahan.
The BSP may also exempt persons engaged in retail business, provided that said persons in retail business must not keep or hold such coins beyond the reasonable needs of the business based on its average utility gross sales, ayon kay Treñas. - RP/FRJ, GMA News